Sunday, October 11, 2015

GENDER EQUALITY: MGA TAO RIN KAMI


Photo courtesy: Rappler.com

Sabi ni Emma Watson, “Ang babae at lalaki ay may karapatan na maging sensitibo. Sila ay may karapatan na maging matapang. Oras na para tingnan natin ang kasarian ng mga tao bilang espektro hindi bilang dalawang magkaibang prinsipyo.” Ang tanong, sang-ayon ba ang lahat ng tao dito? 

Ang gender equality ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks, na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na may iba’t ibang anyo ng hindi pagkapantay-pantay sa kasarian. Ngunit, hindi pa natin ito nakakamit.

Respeto ang kailangan natin para makamit natin ang gender equality. Wala tayong karapatan para dominahin ang mga lalaki, at gayun din naman para sa mga lalaki sa ating mga babae. Sabi sa Genesis 1:27, “At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; nilalang niya sila na lalaki at babae.” Kaya lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin niya.